Our Planet is a Stupid Paradise..

Depressed teacher, doomed writer, exhausted human being...

April 29, 2011 11:41 pm

askerquestioner

fullyjenanigans: hehe.. nice articles sir! :) just had the chance to follow.. :) oh ayan po ha, i didn't even ask a question.. haha.. ingats po palagi! :)

inspired by your articles ma’m. thanks!

January 12, 2011 5:43 am

askerquestioner

iamstephaniejane: kasi minsan lang kami magkita sa isang buwan Ser.. :))

pikutin mo na kasi.. :)

January 6, 2011 2:12 am

Ang Wagas na Pananampalataya…bow!

Kung sa Amerika bidang bida ang kanilang itim na presidente, dito sa ‘tin laos yan sa itim na Nazareno. Kung dinaluhan ng milyong katao ang inaguration ni Obama, sa Quiapo kapag pista ng Nazareno lahat ng taong dumadalo nakayapak pa. Partida. At kung may isang bagay na sikat pa sa concert ng Bone Thugs and Harmony na gaganapin ngayong Enero dito sa Maynila..yun ay wala ng iba pa kundi ang paggunita sa Pista ng Itim na Nazareno. Hindi nga lang mga bukas na apoy ng lighter ang itinataas nila kundi mga panyo na may mukha ni Hesus na nabili nila sa mga mapagsamantalang tindera sa bangketa.

Enero na naman. Buwan ng milyung- milyong deboto na nakikisawsaw sa gulo ng kapistahan ng Quiapo na hindi mo naman naaninag na nagsimba sa simbahan ng nasabing lugar ni minsan sa buong taon. Basta nakikigulo lang. Iba kasi ang feeling na dumalo at makigago sa nagkukumpulang alon ng mga tao, kahit hindi mo naman alam kung ano ang debosyon na nangyayari sa paligid mo.

Mahigit sa 400 taon ng ginagawa ito sa Maynila. Parang isang woodstock concert na ayaw ma-missed ng bawat nananalig sa poon. Isang senaryo ng pagtutulakan at pag-aagawan sa lubid na humihila sa karo ng Nazareno. Naniniwala kasi ang iba na ang paghawak at paghila sa lubid ay makapagbibigay katuparan sa kanilang mga kahilingan, na nakakapagtaka kung bakit kailangang daanin sa barumbadong paraan. Makapangyarihang lubid. Sana nilagay na rin yan sa altar kasama ng iba pang santo.

Mga taong nagsusumikip sa libo-libong pawisang Pilipino upang makahaplos at makapunas lamang ng panyo sa Nazareno kahit makapagkamit ng sugat o maski buhay pa ang maging kapalit nito. Ano ba’ng pinagkaiba ng PAGDARASAL at PAGHAPLOS sa santo?..o talagang touchy lang tayong mga pinoy kaya hindi tayo makuntento na dinadasalan lang?..

kada taon lagi na lang may binabawian ng buhay dahil sa prusisyon. Isang bagay na mahirap maunawaan kung bakit kailangang humantong sa ganoong pagkakataon samantalang debosyon ang naging pakay nila roon. Debosyon na humihingi ng grasya at himala kahit makisiksik sa mga nagbabagang anghit at pawis sa mga nananalig sa poon. Debosyon na HINDI GRASYA ANG NATATANGGAP KUNDI DISGRASYA.

Hindi na talaga tayo nadala…tinangkilik natin at ginawaran ng mga awards ang pelikula ni Nora Aunor na “Himala” pero hindi naman natin tunay na naisadiwa ang nais na iparating ng palabas. Kaya para sa mga nananampalataya ng himala bago pa dumating ang araw na yun, muli isang hirit sa binitiwang salita ni ate Guy. Pampagising…1, 2, 3 hit it!

“Walang himala! Ang himala ay nasa puso ng tao! Nasa puso nating lahat’ Tayo ang gumagawa ng himala! Tayo ang gumagawa ng mga sumpa at ng mga Diyos!..”

Naisaulo ng mga Pilipino yan, pero hindi nila naisapuso..

December 30, 2010 10:01 pm

Auld Lang Syne..

 

Nauuso na naman ang mga bilog na prutas, unti-unti ko ng napapansin na dumarami na sila sa lamesa namin. Alam ko na ang kasunod nito, makikita ko na ang mga ubas na nakasabit sa mga pinto at bintana  na pupusta kong kalahati ng mga yun mauuwi lang sa pagkabulok. Sayang. Biglang dagdag presyo pa naman sa mga palengke ang nakakalulang mga halaga nito tapos hindi rin pala lahat makakain para lang sa kapakanan na mapunuan ang tradisyon ng bagong taon.

Hindi naman nag-ugat sa lahing intsik ang apelyido ng pamilya ko pero hindi ko alam kung bakit nakikisawsaw kami sa mga kalokohan ng mga Tsino kapag pumapasok ang panibagong taon. Nakakatuwang isipin na hindi pa man disperas meron na kaming mga melon, pakwan, mansanas, ubas, ponkan, chiko, pinya, kaymito o star apple, bayabas, buko, chesa, suha at dalandan. Na kung pwede lang pagsama-samahin lahat ng ito para sa paggawa ng fruit salad para mapakinabangan matapos i-display siguro mas OK pa. Pero hindi. Nakatadhana talagang maging palamuti lang sila sa lamesa hanggang mag January 1.

Naalaala ko nun na nauutusan pa kong bumili ng sangkaterbang bigas para punuin yung palabigasan namin na nagtataka ko dahil hindi naman pala lahat isasaing, at pinag-iigib ako ng tubig kasi kelangan puno daw ng tubig lahat ng timba at planggana namin. Hindi ko mahanap yung logic kung bakit namin kailangang gawin yun kahit wala namang emergency, dahil sa pagkakaintindi ko na tinuro sa amin sa eskwelahan noon, ginagawa lang yun pag may parating na sakuna.

Maski naman ako nabola ng nanay ko sa mga tradisyon ng bagong taon nung bata ako. Dahil nung mga edad teenager pa ko madalas bagong gupit na ko bago pa magbagong taon (para daw pogi sa loob ng isang buong taon, naks!) pati kuko kailangan bagong tasa. Pati suot na damit kailangan bago rin. Minsan tuloy naisip ko nun sa sarili ko, kailangan ba pag BAGONG taon, BAGO rin lahat?..o may pagka flip lang yung ermats ko?..Hindi ron natatapos ang pagiging uto-uto ko. Dahil ginawa ko rin dati taun-taon na tumalon sa pagsapit ng alas dose sa pag-aakalang nakakatangkad ang pamahiin na yun kesa matulog sa tanghali at uminom ng vitamins. Wa epek pala talaga. Dyahe pa sa mga kapitibahay na nakakita sa parang gagong paglundag na ginagawa ko.

Ilan rin sa mga pamahiin namin sa bahay ang pagbubukas ng lahat ng ilaw, pagbubukas ng pinto at bintana para daw maging maliwanag ang maging buhay ng pamilya sa susunod na taon at pagpasok ng swerte at magnanakaw kapag nalingat kami. Kasama rin sa handa namin ang  mga kakanin na malalagkit tulad ng biko at suman kahit hindi naman meryenda ang handaan. Ewan pero sabi magagawa raw nito na pagtibayin ang pagsasamahan ng pamilya. Kung yun lang pala ang kasagutan, e di sana yun na lang lagi ang kainin ng mga pamilyang napipintong maging broken family.


Nagsusuot din yung nanay ko at mga kapatid kong babae na kulay pula, minsan  nga may bilog-bilog pa kasi pampaswerte rin daw yun. Na nakakatuwa yun sa paningin ko nung bata ko. Dahil  hindi nila alam mukha silang red juice na may sago’t gulaman sa hitsura nilang yun.


Naglalagay din sila ng mga barya sa bulsa at kakalampagin pag sapit ng bagong taon na para ba’ng nang-iinggit lang sila na may pera ako, ikaw wala. Pero ang pinaka the best na paniniwala na naadapt ng ermats ko ay yung paghahagis ng barya sa mga sulok ng bahay namin na hindi niya alam iniipon ko rin lahat ng ikalat niya. Masinop lang talaga ko. Ayoko kasi ng makalat.

Hindi naman mahalaga kung salungat ako sa lahat ng kabalbalan na ginagawa nila. Importante kasama ko silang lahat  tuwing bagong taon. At syempre mas importante kung isasama nilang maghanda ng beer sa lamesa sa araw na yun.

December 28, 2010 9:18 pm

José Protacio Rizal Mercado y Alonzo Realonda…

A trenta ng Disyembre labingwalo siyamnpu’t anim, sa ganap na ikaanim ng umaga. Tinahak ni Rizal kasama ng kanyang dalawang bantay ang kaparangan patungong Bagongbayan. Tagaktak ang pawis sa kanyang nuo  sa sobrang kaba na nadarama. Mabilis ang bawat pagtibok ng kanyang puso na animo’y may naghahabulang daga sa kanyang dibdib. Nanunuyo ang kanyang mga labi. Namumutla at malamim ang mga mata sanhi ng puyat. Pagdating sa paroroonan ay itinalikod na siya sa mga gwardiya sibil na kakalabit ng gatilyo para sa kanyang napipintong katapusan. Isinigaw na ng kumandante ang mga kataga para sa hudyat ng pagpapaputok: “Apunteee……!”bago pa man naisigaw ang susunod na kataga ay naihi na sa kanyang salawal ang kaawa-awang si Jose at biglang bumagsak sa kanyang kinatatayuan. Tragis, hinimatay ang bida.

Ganyan sana ang inaasahan kong takbo ng istorya tungkol sa huling yugto ng buhay ni Rizal. Mas puno ng katotohanan. Pero hindi. Ayon sa mga historyador, maangas daw niyang hinarap ang kanyang katapusan na puno ng katapangan. Ang plastik! Sinong ginago nila?

Kung magagawa ko lang na makapag time travel sa panahon na nabubuhay pa si Rizal, marami akong gustong itanong at alamin tungkol sa mga tunay na pangyayari sa buhay niya. Na kung totoo ba na hindi man lang siya ninerbiyos habang papalapit ang mga oras ng kanyang kamatayan?.. Na talaga ba’ng nakuha pa niyang umikot ng 190 degrees at  harapin ang mga bala nung paputukan na siya?.. Na sadya ba’ng tunay ang mga paratang na malakas siyang mambabae?..Na bakit hindi niya dinitalye sa Noli Me Tangere kung paano binuo ng romansa si Maria Clara nina Padre Damaso at ng nanay nito?..At kung nagmumura din kaya siya ng putang ina pag nagkakamali siya sa pagsusulat tulad ko?

Di kahalintulad ng serye ng talambuhay ni Hesukristo sa bibliya, punto per punto ang kwento sa mga libro kung ano ang mga bagay na nangyari sa pambansang bayani nung nabubuhay pa siya. Nagawa niya kasing sumulat ng tala-arawan at kung anu-ano pang ka-ek ekan kaya nasubaybayan natin ang bawat kilos at iniisip niya. Katunayan, kababagutan mo na lang sa kolehiyo ang asignaturang Rizal dahil maraming nonsense ang isinulat pa roon na hindi na dapat pang pag-usapan. Malamang kung nabuhay lang siya sa panahon ngayon, nagtu- tweeter  at tumblr din to tulad natin. At pupusta ko na makokornihan din siya sa pagrereblog na gaya ng ginagawa ng iba.

Isa sa mga nakabibilib na extra ordinary na tungkol kay Rizal ay ang pagsusulat niya ng mga tula kahit nung siya ay nasa murang edad pa lamang. Sabi nila, 8 taon pa lamang daw si Jose malikot na ang kanyang isipan para sa pagsulat. Isang katangian na pambansang bayani talaga ang kahahantungan. Musmos lang siya noon ng simulan niyang isulat ang “Sa Aking Kabata” na kapuna-punang wrong grammar pa ang kumag. Tapos nasundan pa yun ng ilan, tulad ng “Kundiman”, “Pinatutula Ako”,  “Sa Kabataang Pilipino”, “Sa Mahal na Birheng Maria”, “Isang Alaala ng Aking Bayan”, at “Ang Awit ni Maria Clara” na malamang yung unang tula lang ang narinig mo pa lang sa mga yan.

Mula sa kanyang katalinuhan at kakaibang nagawang kabayanihan kaya naman ganun na lang kung ituring siyang parang isang panginoon ng mga taga Mt. Banahaw na nagtayo pa ng isang mala-kultong relihiyon na tinawag nilang Suprema de la Iglesia del Ciudad Mistica de Dios. Ako mismo ang nakasaksi kung anong klaseng bahay-dalanginan meron sila nung mapadpad ako ron.  Weird pero kanya-kanya kasing trip yan kaya hindi ko na dapat pang pakialaman. Tulad ng paniniwala natin kay Kristo, sinasamba nila si Rizal dahil sa inspirasyon na hatid ng buhay nito sa kanila. Kung inspirasyon rin lang ang labanan, napaisip tuloy ako kung bakit walang naniniwalang dapat na ituring na diyos din sina Batman at Superman. Buti na lang may isang Ambeth Ocampo na nagsiwalat ng pagiging tao rin ni Rizal at buong tapang niyang hinubuan ang pambansang bayani ng kapa ng pagiging superhero tulad ng pagkilala sa kanya ng kanyang mga panatiko sa Banahaw (read  Ambeth’s “Rzal Without Overcoat” for more info).

Maging ako man, dumaan din ako sa pagiging interesado sa buhay niya na maging pinakahimay ng kanyang kasaysayan, pinilit kong i-research pa noon. Gaya ng may sarili s’yang spoon and fork (silver) kasi ang silver daw nag-iiba kulay pag may lason sa pagkain.may pagka segurista rin si Pepe, ayaw matigok sa panget na paraan… At  nabigyan siya dati ng award na Sobresaliente sa Ateneo  at inakala natin na  siya lang ang nabigyan nun o inisip natin na siya ang First Honor or Valedictorian, Mali. Dahil out of 13 students ata, 9 or 10 silang ganun…Na tinago ng lahat ng nanay ni Leonora Rivera ang sulat niya sa dalaga (na pinsan rin niya) dahil hindi nito gusto si Jose para sa anak. Pipili lang kasi ng syosyotain, kamag-anak pa. Matikas talaga…Na muntik na rin silang mag-away ni Antonio Luna (yung may pang mr. Swabe na bigote) dahil sa pareho nilang natipuhan na babaeng Aleman.. .Na tumaya rin si Rizal ng lotto at katunayan nanalo pa siya nung kapanahunan ng itapon siya sa Dapitan…At hindi rin agad nabigyan ng marangal na libing si Jose dahil ipinagdamot ng mga prayle ng kanyang bangkay sa mga kamag-anak nito kaya sa Paco Park unang nailagay ang labi ng abang si Pepe.

Ayon sa pamoso niyang salawikain; “ Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay higit pa sa mabaho at malansang isda..” Naniniwala ko ro’n. Kaya lahat ng blog na isinulat ko sa wikang Filipino ko inilagay (pero ang totoo hindi rin kasi ako bihasa sa wikang ingles). At tingin ko hindi niya naisapuso ang sinabi niyang ‘yon. Dahil noong isinulat niya ang Noli at El Fili, sa wikang Espanyol niya ‘to isinagawa.

PEPE..isa kang tunay na dakila saiyong naging ambag sa kalayaan at kasaysayan„,

at PEPE..bakit ba hindi ka pumili ng mas wholesome na palayaw?

December 22, 2010 7:36 pm

Pa-Simba Simba Ka Pa T@#% $&* Ka..

SIMBANG GABI: Pahirapang paggising sa madaling araw. Pagpili ng magagarang porma. Pilit na pakikinig sa tinutulugang sermon ng pari. Tapos hindi rin makukumpleto ang sampung araw na misa kasi tinamad kang gumising ng isang araw. Sayang. Hindi ka tuloy nakapag wish.

Hindi natin maikakaila ang katotohanan na ang simbang gabi (o sa salitang Espanyol na misa del gallo) ay naging  tatak na ng tradisyong Pilipino tuwing sasapit ang pasko. Isa na namang pakulo ng simbahan para makaakit sa tao na magsimba (at kumita ng pera kahit sa madaling araw). Sinisimulan sa ikalabing anim ng Disyembre, ang mga Pilipino ay kadalasang isinasama ang kanilang mga pamilya at kamag-anak para magtungo sa pinakamalapit na simbahan. Noon yun, nung konserbatibo pa ang tao. Dahil ngayon, ang isinasama na ng bawat kabataan na nakikilahok sa simbang gabi ay barkada at ka-IBIGAN para tumambay sa labas ng simbahan,  magkwentuhan  at magpayabangan sa mga PAMAS nilang damit o pamaskong bagong suot nila. Nauso na rin ang SIMBANG TABI. Ang pagsisimba na pumupwesto lamang sa tabi ng simbahan kasama ang opposite partner para MAGSIMBANG LANDI. At ang hanap ngayon ng mga maninimba ay hindi na pinakamalapit na simbahan, kundi ang  simbahan na may tapat na makakainan.

Ang misang ito ay nagsisimula ng 4:00 ng umaga. Kaya inihahanda ng bawat isa ang mga alarm clock nila na nmbubulahaw din sa ibang kasambahay nila para dumilat sa katahimikan ng dilim. Ang ganitong senaryo ay magpapatuloy ng siyam na araw. Siyam na araw na pagtitiyaga na gumising bago ang pagputok ng araw. Parang isang debosyon na hindi ko maintindihan kung bakit kailangan ng mg taong ito na pahirapan ang mga sarili nila gayong may mga nakalaang misa naman sa gabi. Matatapos ang kanilang mga panata hanggang sa 24 ng Disyembre. Sinasabing kung makukumpleto ang siyam na sunud-sunod na misa ay maaaring magkatutuo ang Christmas wish mo, yun e kung naniniwala ka sa parehong istorya na maaari ka ring mag wish sa genie na lumalabas sa lampara.

Ang panimulain ng simbang gabi ay nag-ugat pa noong taong 1660. Noong mga kapanahunan na sunud-sunuran ang mga Pilipino sa lahat ng kalokohang ipauso ng mga kastila. Kapag dumarating na ang panahon ng advent, ang mga misyonaryong pari ay nagsasagawa ng siyam na magkakasunod na araw ng misa para sa paggunita sa  pagdating ng bugtong na anak ng Diyos sa lupa.Take note, SIYAM NA ARAW. Para mas maraming kita. Sa karagdagan, minarapat ng mga alagad ng simbahan na ilipat ito sa oras ng madaling araw. Sa unang pagtilaok ng tandang (gallo) upang ipangalandakan ang pagdating ng simula ng bagong umaga. Kaya naman ang pangalang “Misa de Gallo” (na kilala rin sa tawag na rooster’s mass) ay naipakilala sa ganoong katawagan.

Isinasagawa noon ang misa ng mas maaga nang sa ganun ang ating mga Pilipinong ninuno na kadalasan ay mga magsasaka ang uri ng trabaho ay makarating pa rin sa misa ng hindi nila inaabandona ang kanilang mga taniman. Sa panahon natin ngayon, siguro ang nakikinabang na lang sa ideyang ito e yung mga mgkakasintahan para mas maaga makipaglandian. Naging routine ng mga Pilipino noon na maglakad o sumakay ng carratela (carabao’s sled) sa kanilang pagtungo sa simbahan bago pa dumating ang alas kwatro ng umaga.Kung gagawin mo yun ngayon,siguradong  papakyuhan ka ng kalabaw dahil alam nyang nagpapauso ka na lang para sumakay ka pa ng karatela. Matapos ang isang oras na misa, magbabalik na sila sa kanilang mga kabahayan upang gumawa naman ng bata (joke lang), upang simulan na ang araw ng pagtatrabaho. At sa makabagong panahon, matapos ang misa kanya-kanya na ang bawat isa na humanap ng masarap na makakainan na yun naman talaga ang purpose ng paggising nila malamang.

 Sa ganung paraan naging parte ng tradisyong Pilipino ang simbang gabi noon. Na hanggang sa ngayon ito ay isinasagawa sa pasa-pasang henerasyon. Yun nga lang, iba na ang rason ng mga kabataan sa pagpapatuloy nito sa ngayon. Maaaring iba ang kahulugan nito sa bawat isa pero isang bagay ang mananatiling totoo: Ang Simbang Gabi ay isang importanteng parte ng kulturang Pilipino (dahil kung wala nito hindi kikita ang mga tindera ng bibingka at putobumbong) at makabagbag damdaming debosyon ng tao sa Diyos at sa Birheng Maria.

December 14, 2010 11:46 pm

Tiyan, Tiyan, Humupa Ka Naman..

    ” Ang Kalakihan ng Tiyan ay Sumasalamin sa Kapabayaan ng Katawan..”

Walang ibang dapat sisihin kung bakit nahihirapan ka sa paghinga, kung bakit hingal-kalabaw ka agad pag umakyat ka ng ilang palapag, kung bakit hindi mo na maabot ang mga nahulog mo’ng barya o kung bakit hindi mo na natatanaw ang ari mo na nasa ibaba. Walang ibang may sala kundi ang naglulumaki at naghuhumindig na bilugan mo’ng TIYAN.

Rice is not the culprit. Huwag mo’ng ibuntong ang galit sa di mo makontrol na pagkain ng kanin, ang lahat ng iyan ay dahil sa iyong eating habits. Na kung ano ang kinakain mo sa pang araw-araw at kung gaano ka kadalas kumain. Marami sa atin na kung kumain e akala mo wala ng bukas na kulang na lang dilaan pati mga mugmog sa plato. Iwasang magmatakaw. Dahil ang katakawan ay sanhi ng mala-baboy mong katawan.

Masarap kumain ng mga mamantika, lumantak ng matataba at uminom ng alak ng walang humpay. At sa huli, kamot ulo at pagsisisi na lang ang maisasagot mo na sana binigyan mo ng limitasyon lahat ng kinain mo dahil hindi na magkasya ang mga pantalon at underwear na branded pa naman.

Ako man hirap akong magpigil ng subo lalo na masasarap kumain ang mga nakakasabay ko sa hapunan. Pero lagi kong tinatanim sa isipan ko na hindi dapat magpadala sa agos ng gutom. Kaya platito lang ang gamit ko para ng sa ganun matantiya ko ang dami ng kakainin ko.

May naitutulong din naman ang pagkakaroon ng dambuhalang tiyan. Tulad ng pwede mong patungan ng beer habang nanonood ng T.V. Pwede mo ri’ng lagayan ng asin ang loob ng pusod para sa pares nitong manggang hilaw. Pantabi sa mga nakaharang sa daan. Panghambalang sa masisikip na pila. At panakot para sa makukulit na bata.

Sadyang tamad lang talaga ang tao kaya hindi niya mabigyan ng solusyon ang panget na pigura ng kanyang katawan. No more alibies. Kaya ginagawa na lang nilang katatawanan ang mala butete nilang tiyan dahil mas madaling tawanan ang problema kesa bigyan ng kasagutan.

Pero hwag ka’ng mag-alala. Dahil sabi nga ng idol kong si Lourd De Veyra “wala namang naiambag ang abs sa kasaysayan” kaya hindi mo dapat ikahiya ang bloated mong pangangatawan. Yun nga lang, katawa-tawa at mukhang kawawa ka sa paningin ng iba.

December 13, 2010 9:28 pm
default album art record default album art default album art CD reflection
[Flash 9 is required to listen to audio.]
  • Have Yourself a Merry Little Christmas
  • By: Frank Sinatra
  • Christmas Songs by Sinatra
  • 0 Plays

 JUST GIVE “LOVE” ON CHRISTMAS DAY NOT GIVING A GIFT MORON!..

Sakit sa ulo ang umisip kung ano ang ireregalo mo sa mga taong nakapaligid sa’yo. Nang dahil sa tatlong mago problemado ang mundo ko ngayon. Bakit ba kasi naisipan pa nilang magregalo kay Kristo eh kapanganakan yun, hindi naman kaarawan. Tuloy, tuwing magpapasko “in” na rin sa lahat ang mag-abutan ng regalo kahit hindi naman nila birthday.

Hindi sa pagdadamot, pero di ko lubos maisip kung ano ang pinaghuhugutang dahilan nating mga kristiyano kung bakit kailangang magpalitan ng ng regalo samantalang sa aking balintataw sapat na ang pagmamahalan para ipadama ang tunay na tema ng pasko (but actually wala lang talaga kong maisip na iregalo).

Mula sa mga taong nasa bahay, kamag-anak, kaibigan, inaanak, kakilala, katrabaho at kung sinu-sino pang checheboreche, lahat ng iyon kailangan ko pang problemahin kung ano ang ibibIgay sa kanila. Masayang magbigay ng regalo lalo na kapag alam mo ang gusto nila, pero ako ang tao na tamad umalam sa kung ano ang nais ng iba. Mas gugustuhin ko pang alamin kung ano ang detalye sa issue ng vagina lock na nangyari kina Shaina at John Lloyd kesa mag-imbestiga sa regalong inaasam-asam ng iba.

May ideya naman ako kung sa anong maaaring maibigay depende sa edad ng pagbibigyan, ang tanong, anong brand at ispisipikong hitsura ang nais nilang makuha?

Madali lang mag-isip para sa mga batang may edad 1-5 yrs.old, laruan o damit lang ang pwedeng ibigay sa mga musmos na isipan nila. Pero huwag ka, although hindi pa sila nakauunawa kung ano ang maganda sa panget, mga nagtutumaas na  kilay ng mga magulang nila ang  iiwasan mo’ng mag react sa kung anong iaabot mo. Ang mga may edad naman ng 6-13 yrs. old pwede na ang pera. Kaysa uratin ka pa nila kapag nagbigay ka ng bagay na corny sa pananaw ng mga bagets. Sa mga 14 to 20 yrs. old kadalasan mga abubot at burloloy ang expected na matanggap nila galing sa’yo. Pinakamahirap pumili sa estratang ito. Dahil kakailanganin mo’ng magsama ng fashionista sa pamimili para masunod sa uso ang bibilhin mo. Sa mga adult, yun na. Kailangan na ng wish list para magkaron ka ng hinuha sa kung anong SHIT ang trip nila.

At isa pang pasanin sa balikat ang pagbabalot ng regalo. Na talaga naming wala kong katale-talento pag dating sa bagay na ‘to. Expert lang akong bumalot ng mga  tae ng mga alaga naming hayop sa bahay bukod dun wala na. Buti na lang may wrapping station na ang SM kapag sa kanila ka bumili ng items, kailangan mo nga lang magbaon ng pasensiya at lamig ng ulo para tumayo ng ilang oras sa mahabaging haba ng pila. Kung sa mga tiangge naman ako bibili, kailangan ko pang suhulan ang ate ko ng pagkain para lang ipagbalot niya ko. Ganun kasaklap ang magbigay ng regalo. Mas hassle pa sa kagustuhan mong magbigay ng konting kasiyahan para sa mga tao.

Kung maluluklok lang ako sa kongreso isa ito sa mga batas na gusto ko’ng ipasa sa kamara. Ang “No Christmas Gift Bill”. Nang sa ganun matigil na ang kalbaryo ng mga taong tulad ko na sawa na sa palihis na kulturang Pilipino.

December 12, 2010 10:36 pm

Santa Claus is Cumming!

Hwag na tayong magbulahan pa, si Santa ang tunay na bida tuwing magpapasko. Panget lang kasing pakinggan kapag sinabing “Merry Santamas” kaya hindi pwedeng gawing ganun. Pero ang totoo, si Santa Claus talaga ang pinakaabangan ng lahat hindi ang kaarawan ni Kristo. Sabi nga sa kin nung batang nakausap ko, “Ang galeng no sir, sakto yung birthday ni Jesus sa pasko..” oo nga no? hindi ko rin naisip yun.

At mula sa blog na ito, susubukan nating sagutin ang mga misteryo sa katauhan ng nagbibida- bidahang (epal) na karakter na nakikientra sa kaarawan ng ibang nilalang.

Bakit laging masaya si Santa tuwing lumilibot pag magpapasko?

Sino nga ba’ng hindi sasaya kung alam mo kung saan nakatira ang mga Naughty Girls..Nun ko lang naisip na ansarap lumagay sa katauhan niya. Hindi mo na kailangan pang humanap ng malupet na bar kung ang totropahin mo e si Santa Claus.

Bakit “ho ho ho” ang tawa ni Santa?

Ang “ha ha ha” kasi ay karaniwang tawa ng mga tao so hindi na niya pwedeng gamitin yun dahil parang walang originality yung dating. Yung “he he he” naman para sa mga manyakis, pang parental guidance kung yun ang gagamitin niya. Ang “hi hi hi” naman ay para sa mga nakakasabayan niyang bumiyahe sa ere na mga mangkukulam at pwede rin’g gamitin ng mga babaeng akala mo e kinikiliti sa tinggel kaya hindi rin pwedeng gamitin yun dahil parang nakakabawas sa kamachohan ng isang lalakeng malaki ang tiyan. At ang “hu hu hu” naman ay hindi isang tawa. Subukan mo’ng tumawa na gamit yan sigurado ko’ng mako-confuse ang mga makakarinig sa’yo.

Bakit mataba si Santa?

Ikaw ba naman ang tumira sa north pole na may teribleng kakaibang lamig ng panahon sanhi ng mga yebe malamang ang sarap kumain dun kada oras. At kapag malamig, gawain ng tunay na lalake ang makipag-inuman kaya sigurado ko’ng beer belly ang bundat na tiyan ni santa.

Bakit red ang suot na uniporme ni Santa?

Tulad ng pagsusuot ni Andres Bonifacio ng pulang pang ibaba na maging ang mga prominenteng historyador ay hindi mabigyan ng kasagutan, isa rin ito sa hiwaga ng buhay. Maaring kaya pula para mas madali siyang makita ng mga piloto sa eroplano kapag bumibiyahe sila sa himpapawid.

Paanong nagkakasya sa chimneya si Santa eh halos makitid yung daan para sa kanya?

Kung paano nagkakasyang magtago si Sylvester sa ga’palitong lapad ng puno para mahuli si Road Runner, kung paano naibabala sa kanyon si Jerry the cat at kumokorteng bilog lang ang katawan niya pagkatapos ng pagsabog, at kung pano nagkakasya si Spongebob sa loob ng inidoro ay ganun din ang maaaring kasagutan kung paanong nagkakasya si Santa. Mala cartoons ang tema ika nga.

Bakit sa chimneya napiling dumaan ni Santa? Paano yung mga bahay na walang fireplace?

Kapag sa bintana piniling dumaan ni Santa, baka mapagkamalan siyang magnanakaw o kaya akyat-bahay, dhaye yun pag nagkataon. Kung sa pintuan naman, walang hassle. Hindi cool. Kaya kung sa mas mahirap na paraan, mas kakagatin ng masa. At kung walang fireplace yung bahay nyo simulan nyo ng maglagay dahil choosy si Santa sa gusto niyang pasukan.

Bakit mahaba yung balbas ni Santa?

Malamang walang pang-ahit. O pwede rin’g nagpaconvert siya sa pagiging muslim.

Bakit “Santa”? di ba pang babae yun?

Iyan ang malaking debate ng milenyo na hindi pa matapos tapos hanggang ngayon. At tulad din ng “Aba GINOONG Maria” na ginawang lalake si Maria, palagay ko may pagka-engot din minsan ang mga nasa simbahan. Pwede rin’g Santa ang first name niya at Claus ang apelyido kaya ganun.

Bakit hindi na lang ipa-FedEx ni Santa yung mga regalo na pamimigay niya?

Dagdag gastos pa yun. Kaya nga siya gumamit ng raindeers para tipid sa gasolina e.

December 9, 2010 2:11 am

askerquestioner

iamstephaniejane: iki-click mo lang po yung Title ng post tapos idi-direct ka na sa permalink page ng post na yun,. :)

yep nakita ko na kahapon,after kong isend yung tanong ko sayo nun ko lang nakita. Belated happy 19th beerday. cheers!